»

ako ba yung sa ballpen? HAHAH JK

Yup. Ikaw nga. haha

May naalala ako dahil sa post ng classmate ko. Nung monday kasi nag punta ako sa UST dahil nga sa reservation. Ang akala ko talaga mag babayad lang. Iyon pala may mga sasagutan pa, eh wala pa naman akong dalang ballpen. Kaya iyon, buti na lang may nakilala ako. Nahiraman ko, hinadali ko pa nga kaya iyon pangit ng sulat ko.

tapos pumunta ako doon sa main building kasi nandun yung cashier. Muntik pa nga ako maligaw eh kasi wala talaga akong alam, yung kasama ko namang 2 pinsan eh panay sunod lang sa akin. Tapos ang haba ng pila, buti pinagawa kami ng sariling line. Humiram ulit ako ng ballpen sa kasunod ko kasi mukhang santiagu yung sulat ko kaya inayos ko.

Tapos balik ulit sa AB building then iyon, lintik nga eh. Kasi naman nasa harap nila ako pero hindi nila inaasikaso yung inaabot ko. Kaya iyon, buti na lang kumpleto talaga ako sa requirements kaya hindi na ako babalik. Pero may pinasagutan pa sa akin bago iyon, kaya nanghiram ako sa isang student dun. Akala ata eh mag eenroll ako para sa summer class ba yun. haha buti na lang at mabait kaya natapos ko na lahat.

Grabe pagod ko kasi naman magkakalayo pa yung dapat puntahan.

HAHAHAHA MATATANGGAP KA JAN! KUNG SI K****N NGA NATANGGAP EH IKAW PA KAYA! =))

haha, may ginagawa kasi yun na kababalaghan. :)) Pero pag pray ko na gumaling ka sa pag conyo. haha

GO KATH. SAYAWAN MO LANG YAN NG SUPER BASS DANCE CRAZE

Baka pag sinayawan ko eh hindi na ako tanggapin. haha

Kabado na talaga ako. Kasi bukas na yung report date ko. Tapos medyo nagkakaproblema pa kami. Kailangan ko talagang mag kaslot kaya aagahan ko bukas. Kasi kung hindi sa FEU na ako, mas gusto nga ni mama dun kasi candidate ako para sa scholarship pero gusto ko talaga yung kinuha ko sa UST. Sana naman talaga may slot ako.